Saturday, November 23, 2024

IKALAWANG HULING WIKA: "SINASABI KO SA IYO: NGAYON DI’Y ISASAMA KITA SA PARAISO."(Lk 23:43)

IKALAWANG HULING WIKA: "SINASABI KO SA IYO: NGAYON DI’Y ISASAMA KITA SA PARAISO."(Lk 23:43)

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ang ikalawang salita ng panginoon sa krus ay mensahe ng “pag-papatawad” sa ating mga kasalanan at “katiyakan” ng ating kaligtasan. Katiyakan na may Paraisong inihanda ang Panginoon para sa mga taong nagsisi sa mga kasalanan kanyang nagawa.

Sa kasalukuyan ako po ay nasa community ng CFC- Singles for Christ. Aktibo po ako simula ng 2010 to 2013. Sa ngayon kapag nag kakaroon ng pag kakataon ay nakaka attend ako ng mga activities tulad ng kasalukuyang Christian Life Program. Bago ako mapabilang sa community ng CFC – Singles for Christ ay regular church goer po ako dahil na siguro sa kinamulatan kong Pamilya. Kami po ay lumaki sa pag-aaruga ng aking Lola at mga Tiyahin dahil ito sa maaagang pag kasira nang aming Pamilya. Nakamulatan ko na ang takot at paniniwalang may Diyos. Ako po ay nabibilang din sa hanay ng LGBT na magpa hanggang ngayon ay itinuturing na mga immoral, isang sakit na nakakahawa, at kung minsan ay naihahalintulad sa kung saan. Sa isang salita kami daw po ay isang makasalanan. Sino po ba sa atin ang hindi? Hindi rin dahil sa relihiyoso ako ay excuse na ako sa pagkakasala. Opo mga kapatid, tulad ng dalawang magnanakaw na si Dimas at Si Hestas, ako ay mahina at patuloy na nakakagawa ng kasalanan. Pero bakit po ako nasa harapan ninyo ngayon? Dahil po sa paniniwala at pananampalataya na sa bawat dagok at pagsubok sa buhay, sa bawat pagkakamali ay may naghihintay na pagpapatawad mula sa ating Panginoon. May nakalaang paraiso para sa ating lahat na ibinibigay ang Panginoon sa atin. Hindi na natin kailangang hintayin pa ang ating kamatayan para maranasan natin ang Paraisong binabanggit ng Panginoon. Dahil sa kasalukuyang buahy natin ay pwede nating maransan ang Paraisong nabanggit ng Panginoong Hesus. May paraiso po sa lupa!
Dahil sa pag kakahiwalay ng aming magulang noong ako’y 10 years old pa lang, napuno ng galit ang aking puso. Natuto akong maging matapang sa lahat ng hamon sa buhay. Lahat ng mga pagsubok na dumating sa akin ay akin namang ipinag papasaDyos. Kaya naman ano man ang kalabasan ng mga pagsubok ay lagi kong ibinabalik sa kanya ang pasasalamat. Hindi ko nagawang mag tampo o tanugnin ang panginoon sa mga pagsubok at pangyayari sa aking buhay.
Dumating sa puntong ako’y naging aktibo sa mga karaniwang ginagawa ng isang gay. Tulad ng Flirting, ONS at pakikipag relasyon, dumating sa punto na ako’y nagkipag relasyon o nakipag- jowa na umabot na 2 years. Ngunit nanatili ako sa aking paninidigan na hindi ako makikipag live in dahil sa takot at pagpapahalaga sa aking pamilya kaya hindi ako napapayag sa ganoon sitwasyon. Kahit ako’y regular church goer patuloy akong namumuhay sa kamalian at patuloy na natutukso. Tama na sa akin na maka hingi ako ng tawad sa panginoon tuwing ako’y nag sisimba. Kaya naman kahit ako’y naniniwala may Diyos at Paginoon pakiramdam ko hindi lubos ang kasiyahan na aking natatanggap at tila madalas mailap ang mga blessings.
Hindi naging madali para sa mga ka officemate ko nagiinvite sa akin na ako ay dumalo sa sa Christian Life Program ng Singles for Christ. From 2006 to 2010 lagi na akong naiinvite ngunit hindi ako tumutugon sa kahit kaninong inbitasyon. Taong 2010 ng makipag hiwalay ako sa aking naging karelasyon and after 3 months muli na naman akong nainvite para sa isang series ng Christian Life Program. The usual tumanggi akong muli dahil para sakin hindi ako handa, at sa akin ayaw kong gawin dahilan ang na kaya ako umattend ay dahil sa may pinagdadaanan ako. May mga tanong na rin tulad ng kung handa na ba akong mag-patawad sa mga taong nakasakit sa akin? handa na ba akong iwaksi ang galit sa puso ko? Ngunit, talagang ang Panignoon kapag tinapik ka kahit ayaw mo paraan nya ang masusunod. Nag pasama nuon ang aking ka-officemate sa practice ng music ministry ng SFC dahil may kakausapin daw sya at para na din sabhin sa akin na umattend ako ng CLP. Ipinakilala ako sa lahat ng naroon at lahat naman sila ay iniinvite ako na pumunta kinabukasan ng alas-7 ng gabi sa Sta. Rita Chapel.
Hindi ko alam kung bakit after office hours ng sumunod na araw ay sa Sta Rita ako nag punta as an old saying the rest is history. Sa buong 12 weeks ng CLP Talks ay laging ako ang nauuna, minsan sarado pa ang chapel naroon na ako. After the Christian Life Program, and with the guidance of the Holy Spirit unti-unting nabago ang aking pananaw ukol sa pananampalataya ko sa Panginoon. After so many years, nagkalakas loob ako ikumpisal sa pari ang mga nagawang kong kasalanan. Nuon ko lang ulit naramadamn ang maging masayang muli at sa pakiramdam ko nawala ang bigat sa aking puso. Isa sa napatawad ko sa aking puso’t isip kahit wala kaming communications ay ang aking Ama na tuluyang ko ng tinggal ang galit sa kanya.
Ang kasiyahan aking nadarama ngayon ay Ang Paraisong ipinangako ng Panginoon. Totoong, ang Diyos ay laging handang magpatawad ano man ang kasalanan ating nagawa maliit man ito o malaki. Sa 3 taon kong pagiging aktibo sa pagserved sa community ay hindi rin naging madali dahil kapag ikaw ay nag-sisi at humingi ng tawad sa panginoon nariyan ang mga temptations at trials sa buhay. Hindi rin nagging hadlang para sa kin bilang isang bakla ang magserve sa community ng SFC POlA. Ang mga naging kapatid ko sa community, tinanggap ng Brother At Sister na ito kahit ano pa ang iyong kasarian or sexual na orientation. Ang kasiyahan at pagpapalang aking nararamdaman at nararanasan ay ang paraisong ipinangako ni Hesus sa Krus kaya nang ibigay nila sa akin ang gawaing maging Team Head sa isang Christian Life Program nuong 2013 ay hindi na ako nag dalawang isip na tanggapin. Sa ngayon hindi man ako aktibo sa services sa Single For Christ ay patuloy kong dala ang mga aral na naibahagi sa akin ng community ito.

Lagi po nating tandaan na ang Diyos ay maawain at mapagmahal hindi po niya tayo tatalikuran lalo na ang mga makasalanan na taos pusong nag sisisi at nag babalik loob sa para sa kanya.
Katulad ni Dimas buong puso po tayong mag pakumbaba at lumapit sa Panginoon. Paulit ulit man tayong mag kasalan at talikuran ang Panginoon, sa huli ay babalik at babalik din tayo sa kanya. Ito po yung nasa isip ko lagi we will always go back Home ano’t ano man ang mangyari. Kaya ito ang naging tema ng aking Christian Life Program nuong 2013 na may carrying verse na.

Efeso 2:4-5 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
4 Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin. 5 Tayo’y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob.

Mga kapatid, nais mo bang maranasan ang ipinangkong paraiso ng ating Panginoon sa kaslukuyan? Tayo nang mag pakumbaba at magbalik loob sa Diyos. Dahil ang Diyos ay hindi nagsasawang magpatawad. Laging bukas ang kanyang puso at palad sa mga taong buong pusong nag sisi at nag babalik loob sa Kanya. Ikaw, kalian mo bubuksan ang puso mo at palad mo para tanggapin ang Panginoon?
Raul Barque 2018, San Roque Parish Church “The 7 Last Word”