Bilang paggunita sa ika-120 Taon ng Kalayaan ng Pilipinas, maraming aktibidad ang pinaghandaan ng maraming ahensya ng gobyerno at ng ibang ahensya upang ipagdiwang ang ating kalayaan at makapagbigay tulong sa ating mamamayang Pilipino.
Sa araw na ito, ang bawat isa sa atin ay tumatanaw sa nakaraan mula ng iproklama ang ating Kasarinlan, at sa araw din ito iwinagayway ang ating bandila.
Isa sa maipagmamalaki ng bawat Pilipino ay ang naging tagumpay ilang buwan na ang nakalipas ng mabawi nag ating Pamahalaan ang Marawi sa mga taong nagnanais ng kaguluhan sa ating bansa. Dito nakita ang hirap at pakikibaka ng mga magigiting nating sundalo makamtan lang ang demokrasya sa ating bansa. Naging inspirasyon sa ating lahat ang kanilang dakilang sakripisyo.
Tanging sa ating pagkakaisa lamang naipapakita ng Pilipinas na kaya niyang manguna sa sandaigdigan. ‘Wag po tayong tumigil sa pagsisikap upang makamit ang tunay na kalayaan. Kalayaan na makapamuhay ng payapa, marangal at maunlad hindi lamang sa iilan ngunit sa bawat Pilipinong naniniwala at nagmamahal sa bansang Pilipinas.
Pagsikapan nating palakasin ang ating mahal na Republika bilang makapangyarihan, ngunit habang ang bawat Pilipino ay patuloy sa pag hihilaan sa bawat isa at kung mismo sa ating gobyerno at mga mambabatas ay nakitaan nang pagkakahiwalay at pagkabalewala, ang kalayaan at demokrasya na ipinaglaban ng ating mga ninuno. Anong aral ang sa kasalukuyan ang maibabahagi sa ating mga kabataan ngayon.
Tunay ba ang kalayaan ating tinatamasa or patuloy tayong nakakulong sa kolonyal na mentalidad at pagkakawatak watak ng bawat Pilipino?